-
Hugasan at balatan ang kamoteng kahoy. Hatiin sa tatlong bahagi at pakuluan hanggang medyo lumambot.
-
Hanguin, palamigin, at gadgarin ng pino.
-
Sa kawali, ilagay ang butter at gata. Idagdag ang kremdensada, haluin at pakuluan.
-
Ilagay ang gadgad na kamoteng kahoy. Haluin nang mabuti hanggang magsama-sama ang lahat ng sangkap.
-
Timplahan ng asukal ayon sa gusto.
-
Lutuin at haluin sa loob ng 30 minuto o hanggang kumunat.
-
Isalin sa lalagyan na may parchment paper o dahon ng saging.
-
Budburan ng gadgad na keso sa ibabaw.
✨ Tips & Variations
-
Pwede ring dagdagan ng kondensada para sa mas matamis na lasa.
-
Kung gusto mo ng baked version, ilagay sa baking pan at i-oven sa 180°C sa loob ng 30–40 minutes para maging Cassava Cake style.
-
Masarap ihain nang mainit o malamig.